[Humans of EEEI] Posthumous Messages for Mang Edward

Messages from EEEI Faculty, Staff, Volunteers, Etc.

Si Edward ay nagsilbi sa EEE simula pa noong 1991. Nanggaling sya sa College of Engineering bilang Janitor noong 1989 at nadestino na sa EEE Yia Hall hanggang sa paglipat ng EEE sa Velasques  St. noong 2001. May 30 taon din syang nanilbihan sa EEE.


Nang dahil sa pagiging multi-skill ni Edward, maraming offer din mula sa mga taong naging malapit sa kanya subalit tinanggihan nya sa kadahilanang ayaw niyang iwan ang EEE.


Nadama ni Edward ang attachment sa Institute ang tunay na value ng service before profit. Sa kanyang lakas paggawa at commitment sa pagsagawa ng mga projects,binibigay nya ng boung sinsiridad ang pagtupad sa gawain. Makapagbibigay din ng testimonya ang ating mga kagalang-galang na mga Faculty, tulad ni Sec. Gev, Dr. Viray, Dr. Dayco, Prof. Magabo, Dr. Marciano, Dr. Ocampo at iba pa sa pinakitang kasipagan,pagiging mapagpakumbaba at seryoso sa pagtupad ng trabaho ni Edward.


Maraming pagkakataong nakasama ko sya sa mga invitation ng nga Faculty upang gumawa ng sideline projects, mapa opisyal o personal na projects. Malimit kaming mag-assessment session after the days work, upang pag usapan ang magagandang leksyon sa mga naging interaction namin sa faculty na nag request sa aming labor.


Isa rin sa mga Katangian ni Edward ang pagiging malapit sa Diyos. May pagkakataon nasasakripisyo nya ang attendance sa work schedule prioritizing his presence in the church. Napakaaktibo nya sa simbahan at naitalaga sya bilang isang DEACON sa kanilang simbahan.


May mataas na respeto ang kanyang mga kamag-anak sa kanyang malinis na kredibilidad, patunay na madali nyang makumbinsi ang mga kaanak nya upang makipagtulungan sa aming mga projects na nangangailangan ng karagdagang labor. 


Jolly Good Fellow rin si Edward, may mga pagkakataon di maiwasang paringgan ko ng mga constructive criticism and sometime offending pero his laughter means acceptance, I never seen him react by arguing, but maintain his respect and value of our closeness, I treat him as a younger brother to me out of bloodline as he treated me older than him likewise.


Very Responsible Father and Breadwinner to his family. Super maalalahanin si Edward sa kanyang mga anak at asawa, sa aming mga  income sa sidelines, may pasalubong lagi ang kanyang pamilya ( dadaan kami  sa palengke upang bumili ng foods, school needs ng mga bata, ulam at damit at iba pa,naiinip na nga ako sa parking lot kakahintay sa kanya, sabay sasabihan, inubos mo na paninda sa palengke, di magkasya sa OTJ namin noon..) May 5 anak si Edward, subalit isa sa mga ito ay nasawi( month old due to physical deficiency in birth.)


Mahilig din si Edward sa Basketball. Minsan, sinusundo ko sya kase late na sya sa sched namin sa sideline, at doon ko makikita sa basketball court. Kita ko rin kung paano sya maglaro, bato-bato, iwas sa kanya kalaban, laki ng katawan at lakas ng resistance.


Nakasama namin si Edward sa lahat ng aming Community Service Field Activities. Katulong ko sya bilang Safety Officer, marketing,cook,pag alalay sa mga logistics, sa mga entry to community stage or first visit sa community for courtesy call to key leaders, he actively participates in the process, it happens in rural areas in Antipolo grass root communities, Dumagat folks in Norzagaray Bulacan,Aeta folks in Brgy.Villar Botolan Zambales and urban poor communities in Vizayas Ave.QC. at sa mga  Waiting shade  solar lighting  projects namin sa campus. Napaka-protective nya sa safety ng estudyante.

EEE NSTP CWTS Volunteer


Very Friendly si EdwardPagka-angkas ko sa motor, kaliwat kanan yong mga bumabati sa kanya, gwardia,empleyado,estudyante,kapatid sa Iglesia, kung sino sino pa, bihira yong magkasama kami na walang kausap na iba,kilalang kilala sya sa community, sa ibang dept sa college, dami nyang kumpare at kaibigan, (never akong nakarinig ng negative feedbacks sa mga tao).

Sa kanyang pagkawala ng maaga,di ko talaga maiwasan ang malungkot, sa dami ba naman ng pinagsamahan, subalit kailangan tanggapin ko-natin, upang gampanan pa ang mga responsibilidad,harapin ang mga challenges at e-enjoy ang mga Blessings ng Almighty God. Bawat isa naman  sa atin ay biniyayaan ng ating Panginoon, nawa, nasa mabuting estado ng kalagayan si Edward sa piling ni God sa mga oras na ito. Rest in Peace, Kapatid..

Ali Sukarno (Mang Boyet)


Wala akong masabi sa kasipagan ni Mang Edward, parati siyang tumutugon sa mga request namin ng pagpapa-ayos sa DSP lab nung ako ang lab head. Walang trabaho na tinanggihan si Mang Edward sa EEE, lahat ay tinutugunan niya ng buong husay at tiyaga

Rhandley D. Cajote, Faculty


Sa maikling panahon na nakasama ko si Kuya Edward, nakita ko na sa kanya ang kasipagan at dedikasyon sa kanyang trabaho. Bilang isang maintenance si Kuya Edward, hindi sya nagaatubiling magpunta sa EEEI kung mayroon problema sa pasilidad kahit pa ito’y lagpas sa oras ng trabaho, araw ng sabado/linggo o may bagyo. Si Kuya Edward ay may “initiative” sa kanyang mga dapat gawin at hindi mo na kailangan utusan, dahil kusa na niyang gagawin sapagkat alam niyang itoy nararapat. Lubos din akong humanga sa kanya sapagkat bukod sa kanyang tagal sa EEEI ay kabisado na rin nya ang istorya ng Engineering, kung kailan naitayo, kung sino ang contractor na gumawa nito, kung sino mga naging Dean.

Ang pagkawala ni Kuya Edward ay malaking kahinayangan sa EEEI at sa aming mga naging kasama niya dahil sa kanyang kabutihang pagkatao. Rest in peace, Kuya Edward.

Jaere Medina


Taos-pusong pasasalamat sa iyo at sa inyong serbisyo, Mang Edward. Rest in Peace.