[Humans of EEEI] Kimberly Pink Taccad

Kimberly Pink Taccad has considered the EEE community as her second family in the past six years. She is currently serving as the Academic Program Researcher at EEE. Her warm and bubbly personality has always been a delight to everyone around her. She is a very hardworking, responsible, and dedicated member of the EEEI staff and she’s fun at parties too!


What do you love about being part of EEEI Community?

I love how the pEEEople dear to me take care of me (well, sa lahat naman po) in different love language forms. Meron pong mahilig magpa-merienda (kaya mahirap po mag-diet sa opisina rito hahahuhu), meron pong solid magtiwala at magbigay ng oras para manghingi ng insights (na very empowering), merong mangangamusta at mangungulit sa graduate studies ko (kasi parang nakakalimutan ko na siya oh em), meron pang pa-birthday and Christmas gifts with notes (lalo na researchers namin na apaka appreciative). Above all, I love how I am loved and accepted here (or wala na kasi silang choice? hehe). Tanggap po nila na sometimes lang po talaga ako normal.

Apart from that, I love how I have become very maarte about my coffee, hindi ko na po kilala si instant coffee. Char. Mabuti na lang at mas maarte po ang faculty members sa kape (kasi nga sa kanila naman ako nahawa), so sila na ang nagdadala ng coffee beans sa office. Yay! Gumaling din ako ng slight sa Math kasi may pa-weiging scale pa sa pagtimpla. Wuw?!


What is your message to all the members of the EEEI community?

I am taking this opportunity to thank my colleagues na halos araw-araw kong kasama for the past 6 years. Meron kaming Ate V na may malasakit at tunay na maaasahan sa senado este trabaho, solid iyan. Si Nurse Mimi na to the rescue palagi at nakahandang sumama sa Infirmary kahit wala pang kain ‘yan. Si Madam Susie na parang nanay kung mag-alaga sa aming lahat. Meron kaming Colline, Marlo, Patrick at Pio na one call/chat away lang at problem solvers! Kasama na rin namin sina Claude na very inspiring ang pagiging health conscious hehe, at si Tim na tahimik lang pero ibang performance level ang binibigay for EEE events. Syempre meron ding mga oppa ng bayan na at your service palagi, sina Jaere, Bimby, Toto, Hunfer, Junril, Sir Obet, at Sir Orville. Congratulations sa ating lahat, na-survive natin ang maraming waves ng pandemic!

Sa EEEI project staff and researchers (shoutout sa VERSe peeps!) na naging second home na rin ang EEEI, at na-survive ang maraming restrictions sa University brought about by the pandemic, congratulations din! Ang hirap kumilos noon pero kinaya!

Sa EEEI students na nangangapa pa sa face-to-face mode, best of luck! Sa mga nag-iisip kung ipagpapatuloy ang pagiging iskolar ng bayan, ito na ang sign niyo, aral na ulit (wow coming from me talga?). Sa mga naka-survive during the height of the pandemic at patuloy na lumalaban, great job sa lahat!

Sa EEEI faculty na walang choice kundi kayanin ang biglaang shift to online mode of teaching noong 2020, at ngayon namang maraming adjustments ang kailangang gawin para sa pagbabalik ng face-to-face class, maraming salamat po! Padayon!